Seminary
Doctrinal Mastery: Assessment 2: Alma – Moroni


“Doctrinal Mastery: Assessment 2: Alma – Moroni,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Assessment 2,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Assessment 2

Alma Moroni

Sa pangalawang kalahati ng kursong ito, pinag-aralan ng mga estudyante ang 12 doctrinal mastery passage mula sa Alma hanggang Moroni. Ang assessment na ito ay ginawa para ma-assess ang kakayahan ng mga estudyante na maalala ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga passage na ito gayundin ang kakayahan nilang ipamuhay ang mga ito sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ia-assess din nito ang pag-unawa ng mga estudyante sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Ibigay ang doctrinal mastery assessment na ito anumang oras kapag naituro mo na ang lahat ng doctrinal mastery passage mula Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5. Upang matulungan ang mga estudyante na makapaghanda, ituro ang “Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 2” o bigyan ang mga estudyante ng gabay sa pag-aaral na makikita sa katapusan ng lesson na iyon. Maaaring kailanganing ituro ang ilan sa mga doctrinal mastery lesson bago lumabas ang mga ito sa pagkakasunud-sunod ng lesson para maibigay ang assessment bago matapos ang taon.

Kung maaari, ibigay ang assessment na ito nang personal at lagyan kaagad ito ng grado kapag nakumpleto na ito ng mga estudyante. Maaari mong personal na lagyan ng grado ang bawat assessment at pagkatapos ay talakayin ang mga tamang sagot sa klase, o maaari mong sabihin sa bawat estudyante na lagyan ng grado ang sarili nilang assessment. Dahil maaaring magbahagi ang mga estudyante ng personal na impormasyon sa ilan sa kanilang mga sagot, huwag palagyan ng grado sa mga estudyante ang assessment ng ibang estudyante.

Bukod pa sa pag-assess sa kasalukuyang kaalaman ng mga estudyante, ang pagsagot at pagtalakay sa assessment ay nilalayong maging oras ng makabuluhang personal na pagninilay para sa mga estudyante. Habang tinatalakay ang tanong 7–12, anyayahan ang mga estudyante na sabihin kung bakit pinili nila ang mga isinagot nila at ipaliwanag kung paano makatutulong ang (mga) passage na pinili nila sa mga sitwasyong inilarawan. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang anumang tanong na maaaring nasagot nila nang mali. Maglaan ng oras para sagutin ang anumang karagdagang tanong ng mga estudyante.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon: Assessment 2

Mga doctrinal mastery reference

Para sa mga tanong 1–3, isulat ang letra ng katumbas na reference sa patlang sa tabi ng bawat parirala. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

Mahahalagang Parirala

Mga Scripture Reference

  1. “Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

  1. Alma 39:9

  1. “At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

  1. Alma 41:10

  1. “Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

  1. Moroni 7:45–48

  1. Helaman 5:12

  1. Alma 7:11–13

Mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Para sa mga tanong 4–6, punan ang mga nawawalang salita sa mahahalagang parirala ng doctrinal mastery. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

  1. “[Magtatanong] nang may na puso, na may tunay na , na may pananampalataya kay Cristo. … At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.” (Moroni 10:4–5)

  2. “Sa na ating … ninyo kailangang itayo ang inyong .” (Helaman 5:12)

  3. “Wala kayong matatanggap na hangga’t hindi natatapos ang sa inyong .” (Eter 12:6)

Aplikasyon sa mga sitwasyon sa tunay na buhay

Maaari mong gamitin ang iyong mga banal na kasulatan para sa natitirang bahagi ng assessment.

Para sa mga tanong 7–9, tumukoy ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage mula sa Alma hanggang Moroni na makatutulong sa isang tao sa mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag kung bakit mo pinili ang (mga) passage na pinili mo.

  1. Gustong malaman ng isang dalagitang nag-aaral ng tungkol sa Simbahan kung ano ang dapat niyang gawin para sundin si Jesucristo.

  2. Hindi nauunawaan ng kaibigan mo ang kahalagahan ni Jesucristo at tinatanong ka niya kung ano ang nagawa Niya para sa atin.

  3. Gustong malaman ng isang binatilyo kung paano niya matatanggap ang tulong at lakas ng Diyos para maprotektahan siya mula sa mga tukso ni Satanas.

Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Para sa mga tanong 10–11, ipakita ang iyong kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  1. Paano mo ipaliliwanag sa isang tao ang sumusunod na mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?

    1. Kumilos nang may pananampalataya.

    2. Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

    3. Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

  2. Kung minsan, pakiramdam ng isang dalagita na masyadong mahigpit ang mga kautusan ng Diyos. Iniisip niya kung magiging mas masaya ba siya kung mamumuhay na lang siya sa anumang paraan na sa tingin niya ay pinakamaganda.

    Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    1. Anong mga partikular na bagay ang maaaring gawin ng taong ito para kumilos nang may pananampalataya?

    2. Paano makatutulong sa kanya ang pagtingin sa sitwasyong ito nang may walang-hanggang pananaw?

    3. Ang mga doctrinal mastery passage ay mga halimbawa ng sources na itinalaga ng Diyos. Anong (mga) doctrinal mastery passage ang maaaring makatulong sa sitwasyong ito? Paano?

  3. Sa 12 doctrinal mastery passage na napag-aralan mo sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon, anong doctrinal mastery passage ang partikular na nakatulong o naging makabuluhan sa iyo? Bakit?

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para makumpleto ang assessment. Kapag tapos na ang mga estudyante, rebyuhin ito bilang isang klase. Maaari mong lagyan ng grado ang mga assessment o sabihin sa mga estudyante na iwasto ang sarili nilang gawa.

Mga Sagot:

  1. c. Moroni 7:45–48

  2. e. Alma 7:11–13

  3. a. Alma 39:9

  4. matapat; layunin; malalaman

  5. bato; Manunubos; saligan

  6. patunay; pagsubok; pananampalataya

  7. Kabilang sa mga posibleng sagot ang 3 Nephi 27:20 o Moroni 7:45–48, ngunit maaaring makatanggap ng puntos ang mga estudyante sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage kung maipapaliwanag nila kung paano naaangkop ang katotohanan na nasa passage.

  8. Kabilang sa mga posibleng sagot ang Alma 7:11–13 o Alma 34:9–10, ngunit maaaring makatanggap ng puntos ang mga estudyante sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage kung maipapaliwanag nila kung paano naaangkop ang katotohanan na nasa passage.

  9. Kabilang sa mga posibleng sagot ang Helaman 5:12 o Eter 12:27, ngunit maaaring makatanggap ng puntos ang mga estudyante sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage kung maipapaliwanag nila kung paano naaangkop ang katotohanan na nasa passage.

  10. Dapat maipaliwanag nang maikli ng mga estudyante ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari mong ipahambing sa kanila ang kanilang mga sagot sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

  11. Dapat maipaliwanag ng mga estudyante kung paano magagawa ng dalagitang ito na kumilos nang may pananampalataya at sumuri ng mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw. Dapat may tukuyin din silang doctrinal mastery passage na makatutulong sa kanyang mga alalahanin. Kabilang sa maaaring isagot ang Alma 41:10, Eter 12:6, at Moroni 10:4–5.

  12. Basta’t nasasagot ng mga estudyante ang tanong na ito nang matapat at kumpleto, dapat silang bigyan ng puntos. Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang doctrinal mastery passage na pinili nila para sa tanong 12 at kung bakit nila pinili ito. Maaaring epektibong tumawag ng maraming estudyante hangga’t maaari para magbahagi sa natitirang oras. Sabihin sa kanila na ibahagi kung ano ang itinuturo sa kanila ng passage na pinili nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Tapusin ang assessment sa pamamagitan ng pagbabahagi ng patotoo tungkol sa kapangyarihang nagmumula sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa doktrina ni Jesucristo, na matatagpuan sa Kanyang mga banal na kasulatan, at pagiging handang ipamuhay ang Kanyang mga turo sa mga totoong sitwasyon sa buhay.