Institute
Pambungad


“Pambungad,” Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan (2025)

Pambungad,” Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan

Pambungad

Mahal naming mga institute instructor,

Sa kanyang mensahe noong taunang brodcast ng S&I noong Enero 2024, sinabi ni Elder Clark G. Gilbert, “Habang patuloy tayong gumagamit ng mga workshop para maragdagan ang kaugnayan at access sa institute, inaanyayahan ko ang bawat isa sa ating institute faculty na maghanap ng mga pagkakataon na magkaroon ng mga workshop na nakatuon sa mga binigyang-diin ng mga propeta na inilahad namin. Hinihikayat ko kayo na pagtuunan lalo na ang mga turo ni Pangulong Nelson, na binibigyang-diin ang kanyang pangunahing mensahe na “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” (Clark G. Gilbert, “Magsalita Ka, Panginoon; sapagkat Nakikinig ang Iyong Lingkod” [taunang brodkast ng S&I, Ene. 26, 2024], Gospel Library).

Tulad ng alam ninyo, ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson sa pandaigdigang brodkast para sa mga young adult noong Mayo 2022 na pinamagatang “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” ay partikular na para sa mga young adult at tunay na kumakatawan sa tinig ng Panginoon sa kanila sa ating panahon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:4). Bilang mga institute instructor, may espesyal kayong pribilehiyo at pagkakataong tumulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng mensahe ng propeta ng Panginoon. Mangyaring pag-isipan at pagsikapang mabuti na magbigay ng karanasan sa pagkatuto kung saan mauunawaan, madarama, at maipamumuhay ng mga young adult ang mga turo ng mensahe ni Pangulong Nelson na “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan.” Ang mga kalakip na materyal ay makatutulong sa inyo sa inyong mga pagsisikap.

Kasama sa mga materyal na ito ang isang set ng dalawang lesson na magagamit sa pagbibigay ng karanasan sa pagkatuto na gagawin bilang isang workshop batay sa mensahe ni Pangulong Nelson. Hindi nilalayong ituro ninyo ang mga lesson na ito nang berbatim. Sa halip, ang mga lesson na ito ay magsisilbing resource ninyo habang naghahanda kayo ng workshop para sa karanasan sa pagkatuto para sa inyong mga estudyante. Huwag mag-atubiling gumawa ng pag-aangkop sa lesson kung nainspirasyunan. Sa simula ng mga lesson plan, mapapansin ninyo ang ilang nakasaad na mga resulta ng pagkatuto. Sa pagpaplano ninyo ng inyong mga aktibidad sa pag-aaral para sa workshop, tandaan ang mga resultang ito at hangaring magplano ng mga aktibidad sa pag-aaral na tutulong sa mga estudyante na makamit ang mga resultang ito. Inaasahan na ang workshop na ito ay maaaring gawin sa dalawa o tatlong sesyon, depende sa haba ng bawat sesyon.

Habang naghahanda kayo ng inyong workshop, tandaan ang ating responsibilidad na magbigay ng karanasang nakasentro kay Cristo, nakabatay sa mga banal na kasulatan, at nakatuon sa mag-aaral at ang ating mga karanasan sa pagtuturo at pagkatuto ay nagagabayan ng inspirasyon at patotoo ng Espiritu Santo (tingnan sa Chad H Webb, “Mga Mensahero ng Mabuting Balita” [taunang training broadcast ng S&I, Ene. 27, 2023], Gospel Library). Hangarin ding isagawa ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo na matatagpuan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas.

Inaasam namin na magkakaroon ng magagandang karanasan ang inyong mga estudyante sa pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo ayon sa itinuro ni Pangulong Nelson sa napakahalagang mensaheng ito. Salamat sa inyong pananampalataya at patotoo at sa lahat ng pagsisikap ninyong pagpalain ang mga young adult na pinaglilingkuran ninyo.