Bagong Tipan 2023
Marso 26. Paano Magtutulungan ang mga Kabataang Babae at mga Kabataang Lalaki sa Pagtatayo ng Kaharian ng Diyos? Mateo 13; Lucas 8; 13


“Marso 26. Paano Magtutulungan ang mga Kabataang Babae at mga Kabataang Lalaki sa Pagtatayo ng Kaharian ng Diyos? Mateo 13; Lucas 8; 13,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023 (2022)

“Marso 26. Paano Magtutulungan ang mga Kabataang Babae at mga Kabataang Lalaki sa Pagtatayo ng Kaharian ng Diyos?,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023

Larawan
ward council meeting

Marso 26

Paano Magtutulungan ang mga Kabataang Babae at mga Kabataang Lalaki sa Pagtatayo ng Kaharian ng Diyos?

Mateo 13; Lucas 813

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan at magsanggunian

Sama-samang Magpayuhan at Magsanggunian

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, SimbahanniJesucristo.org). Magplano ng mga paraan para magawa ang ayon sa tinalakay ninyo.

  • Pagsasabuhay ng ebanghelyo. Paano tayo nakatatagpo ng kagalakan sa pagsunod kay Jesucristo?

  • Pangangalaga sa mga nangangailangan. Sino sa ating ward o komunidad ang nangangailangan ng ating tulong? Paano natin sila matutulungan?

  • Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Paano natin matutulungan ang isa’t isa na maghandang maglingkod bilang missionary?

  • Pagbubuklod ng mga pamilya [para] sa kawalang-hanggan. Paano tayo makapag-aambag sa mga pagsisikap ng ating ward na magawa ang gawain sa family history at sa templo?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Sa magkakasunod na mga talinghaga na matatagpuan sa Mateo 13, itinuro ng Tagapagligtas ang mahahalagang katotohanan tungkol sa kaharian ng Diyos at sa kamangha-manghang pag-unlad nito sa ating panahon. Sa dalawa sa mga talinghagang ito, ang isang maliit at simpleng bagay ay nagbunga ng isang dakilang bagay. At ito ay dahil sa ginawa ng isang anak na lalaki o anak na babae ng Diyos na nakatulong para mangyari ang himala. Isang maliit na butil ng binhi ng mustasa na “kinuha ng isang tao, at inihasik [ito] sa kanyang bukid” ang lumaki at naging isang malaking puno na sapat para sa mga ibon na “nagpupugad sa mga sanga” (Mateo 13:31–32). At ang kaunting pampaalsa ay nagpaalsa sa isang malaking masa nang “kinuha ng isang babae, at inihalo [ito] sa tatlong takal na harina” (Mateo 13:33). Ang kaharian ng Diyos sa ating panahon ay lumalago at lumalaganap dahil ang Kanyang mga Banal—kabilang na ang mga kabataang babae at mga kabataang lalaki—ay nakikipagtulungan sa Kanya upang maitayo ito.

Bukod pa sa pagbabasa ng Mateo 13 at Lucas 813 sa linggong ito, basahin ang mensahe ni Pangulong M. Russell Ballard na “Kalalakihan at Kababaihan sa Gawain ng Panginoon” (Liahona, Abr. 2014, 2–5) at ang mensahe ni Pangulong Jean B. Bingham na “Nagkakaisa sa Pagsasakatuparan ng Gawain ng Diyos” (Liahona, Mayo 2020, 60–63).

Magkakasamang Matuto

Upang matulungan ang mga kabataang tinuturuan mo na ilarawan sa isipan ang mga talinghaga sa Mateo 13, maaari kang magdispley ng mga larawan ng binhi ng mustasa, pampaalsa (tulad ng lebadura), perlas, at lambat. Maaaring rebyuhin ng mga kabataan ang Mateo 13:31–33, 45–48 at ibahagi kung ano ang itinuturo sa kanila ng bawat isa sa mga talinghagang ito tungkol sa kaharian ng langit. Paano natin maipamumuhay ang mga mensahe ng mga talinghagang ito sa sarili natin? Ano ang ginagawa natin para matulungan ang Panginoon sa pagtatayo ng Kanyang kaharian? Narito ang ilang aktibidad na makatutulong sa talakayan.

  • Bago ang miting, sabihin sa mga miyembro ng klase o korum na alamin ang tungkol sa kababaihan at kalalakihan na dapat tularan sa pagtulong sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos. Ang mga taong ito ay maaaring mula sa mga banal na kasulatan (tingnan sa “Suportang Resources”), mula sa kasaysayan ng Simbahan, o mula sa sarili nilang buhay. Sabihin sa mga kabataan na ibahagi ang nalaman nila. Sa paanong paraan natulungan ng mga taong ito ang Panginoon sa pagtatayo ng Kanyang kaharian? Paano natin matutularan ang kanilang mga halimbawa?

  • Kung tinuturuan mo ay mga kabataang lalaki, sabihin sa kanila na rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Bonnie L. Oscarson na “Mga Kabataang Babae sa Gawain” (Liahona, Mayo 2018, 36–38) at hanapin at ibahagi ang mga paraan na nakatutulong ang mga kabataang babae sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Maaari ding pag-aralan ng mga kabataang babae ang mensahe ni Brother Douglas D. Holmes na “Ano ang Kailangang Maunawaan ng Lahat ng Mayhawak ng Aaronic Priesthood” (Liahona, Mayo 2018, 50–53). Paano nagkakatulad ang mga responsibilidad ng mga kabataang babae at mga kabataang lalaki? Paano tayo mas magtutulungan sa paggawa ng gawain ng Diyos?

  • Para matulungan ang mga kabataan na maunawaan kung paano nagtutulungan ang kababaihan at kalalakihan sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos, maaari mong isulat sa pisara ang mga tanong na tulad nito: Bakit kinakailangan ng Diyos ang pagtutulungan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtatayo ng Kanyang kaharian? Paano mas magtutulungan ang mga quorum at class presidency? Maaaring rebyuhin ng mga kabataan ang ilang bahagi ng mensahe ni Pangulong M. Russell Ballard na “Kalalakihan at Kababaihan sa Gawain ng Panginoon” o ang mensahe ni Pangulong Jean B. Bingham na “Nagkakaisa sa Pagsasakatuparan ng Gawain ng Diyos,” lalo na ang bahaging nagsisimula sa “Kaya, ano ang kahulugan niyon para sa inyo at sa akin?” Maaaring ibahagi ng mga kabataan ang nahanap nila na mga sagot sa mga tanong.

  • Upang matulungan ang mga kabataan na maunawaan kung paano sila makatutulong sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos, maaari mong sabihin sa class o quorum president na magbigay ng mga isyung natalakay na sa mga ward youth council meeting na angkop ibahagi. Sabihin sa mga miyembro ng klase o korum na magbahagi ng mga ideya kung paano sila makatutulong sa paglutas ng mga isyu. Ano ang ginagawa natin sa ating tahanan, ward, at komunidad para makatulong sa gawain ng Diyos? Sabihin sa class o quorum president na magbigay ng mga isyung natalakay na sa mga ward youth council meeting na angkop na ibahagi. Sabihin sa mga miyembro ng klase o korum na magbahagi ng mga ideya kung paano sila makatutulong sa mga isyu.

Larawan
dalagitang naghuhukay

Kailangan ng Diyos ang kababaihan at kalalakihan na magtulungan sa pagtatayo ng Kanyang kaharian.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala ang gagawin nila ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano titibay ang ugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag ginawa nila ang mga impresyong natanggap nila.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Kapag nagbigay ka ng paanyaya na ipamuhay ang isang partikular na alituntunin, tulungan ang mga mag-aaral na tuklasin ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos sa mga taong namumuhay ayon sa alituntuning iyon.

Print