Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mga Tinig ng Pagpapanumbalik: Emma Hale Smith


“Mga Tinig ng Pagpapanumbalik: Emma Hale Smith,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Emma Hale Smith,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

icon ng mga tinig ng pagpapanumbalik

Mga Tinig ng Pagpapanumbalik

Emma Hale Smith

Emma Smith (Emma Hale Smith)

Ang mga salita ng Panginoon kay Emma Smith na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 25 ay naghahayag ng nadama Niya tungkol kay Emma at sa mga maiaambag nito sa Kanyang gawain. Pero paano ba inilarawan si Emma? Ano ang alam natin tungkol sa kanyang pagkatao, sa kanyang mga relasyon, sa kanyang mga kalakasan? Ang isang paraan para makilala ang “hinirang na babae” na ito (Doktrina at mga Tipan 25:3) ay ang basahin ang mga sinabi ng mga tao na personal na nakakikilala sa kanya.

Joseph Smith Jr., kanyang asawa

One drawing in pencil, charcoal and ink on paper.  A left profile, head/shoulders portrait of Joseph Smith; drawn basically in charcoal, highlighted with white paint and black ink.  titled at bottom "Jospeh Smith the Prophet."  Signed at left shoulder "Drawn from the most authentic sources by Dan Weggeland"  A drawn border surrounds it.  No date apparent.

“Hindi masambit na saya, at matinding galak ang nag-umapaw sa aking dibdib, nang hawakan ko sa kamay, nang gabing iyon, ang pinakamamahal kong si Emma—siya na aking asawa, maging ang asawa ng aking kabataan; at ang pinili ng aking puso. Maraming pumapasok sa aking isipan nang pagmuni-munihin ko sandali ang maraming pangyayaring kinailangan naming pagdaanan. Ang mga kapaguran, paghihirap, kalungkutan, at pagdurusa, at ang mga kagalakan at kaaliwan paminsan-minsan ay nangyari at nagpala sa aming buhay. Ah! Naghalu-halo ang mga bagay sa aking isipan sa sandaling iyon. Muli siyang narito, maging sa ikapitong kaguluhan, hindi natitinag, matibay, at matatag, di-nagbabago, mapagmahal na si Emma.”

Lucy Mack Smith, kanyang biyenang babae

“Bata pa siya noon, at, dahil likas na masigasig, buong puso niya ay nakalaan sa gawain ng Panginoon, at lubos ang kanyang katapatan sa simbahan at sa kapakanan ng katotohanan. Anuman ang gawin niya, ginagawa niya ito nang buong sigasig at hindi inisip ang makasariling tanong na ‘Mas makikinabang ba ako rito kaysa sa iba?’ Kung isinusugo ang mga elder para mangaral, siya ang unang nagboboluntaryong tumulong sa mga isusuot nila para sa paglalakbay, anumang pagsubok ang pinagdaraanan niya mismo.”

Joseph Smith Sr., kanyang biyenang lalaki

Ang patriarchal blessing ni Emma, na ibinigay ni Joseph Smith Sr., na naglilingkod noon bilang patriarch ng Simbahan:

“Emma, aking manugang, ikaw ay pinagpala ng Panginoon, dahil sa iyong katapatan at pagiging totoo: ikaw ay pagpapalain kasama ng iyong asawa, at magagalak sa kaluwalhatiang mapapasakanya: Ang iyong kaluluwa ay nagdadalamhati dahil sa kasamaan ng mga tao sa paghahangad na sirain ang iyong kabiyak, at buong kaluluwa mong ipinagdarasal ang kanyang kaligtasan; magalak, sapagkat narinig ng Panginoon mong Diyos ang iyong pagsamo.

“Ikaw ay nagdadalamhati dahil sa katigasan ng puso ng pamilya ng iyong ama, at inaasam mo ang kanilang kaligtasan. Pakikinggan ng Panginoon ang iyong mga pagsamo; at sa kanyang mga paghatol ay papangyayarihin niyang makita ng ilan sa kanila ang kanilang kahangalan at magsisisi sila sa kanilang mga kasalanan; ngunit sa pamamagitan ng paghihirap sila ay maliligtas. Hahaba ang buhay mo; oo, ililigtas ka ng Panginoon hanggang sa ikaw ay masiyahan, sapagkat makikita mo ang iyong Manunubos. Ang iyong puso ay magagalak sa dakilang gawain ng Panginoon, at walang sinumang makakaagaw sa iyong kagalakan.

“Iyong maaalala ang dakilang pagpapakababa ng iyong Diyos sa pagpapahintulot sa iyo na samahan ang aking anak nang ipagkatiwala sa kanya ng anghel ang talaan ng mga Nephita. Nakadama ka ng labis na kalungkutan dahil kinuha na ng Panginoon sa iyo ang tatlo sa inyong mga anak: dahil dito hindi ka masisisi, dahil nalalaman niya ang iyong dalisay na mga hangarin na magkaroon ng mga anak, upang ang pangalan ng aking anak ay mapagpala. At ngayon, masdan, sinasabi ko sa iyo, na sabi ng Panginoon, kung ikaw ay maniniwala, ikaw ay pagpapalain pa sa bagay na ito at ikaw ay magkakaroon ng iba pang mga anak, na ikagagalak at ikasisiya ng iyong kaluluwa, at ikatutuwa ng iyong mga kaibigan.

“Ikaw ay bibiyayaan ng pang-unawa, at magkakaroon ng kakayahang turuan ang iba pang kababaihan. Ituro sa iyong pamilya ang kabutihan, at sa iyong mga musmos na anak ang landas ng buhay, at babantayan ka ng mga banal na anghel: at ikaw ay maliligtas sa kaharian ng Diyos; maging gayon nga. Amen.”

Emma Smith at mga anak

Si Emma Smith kasama ang kanyang mga anak. Time to Laugh [Oras para Magtawanan]. ni Liz Lemon Swindle