Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Marso 10–16: “Ang Pagsikat ng Simbahan ni Cristo”: Doktrina at mga Tipan 20–22


“Marso 10–16: ‘Ang Pagsikat ng Simbahan ni Cristo’: Doktrina at mga Tipan 20–22,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Doktrina at mga Tipan 20–22,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

si Joseph Smith na nangangaral sa isang silid na puno ng mga tao

Marso 10–16: “Ang Pagsikat ng Simbahan ni Cristo”

Doktrina at mga Tipan 20–22

Kumpleto na ngayon ang gawain ng Tagapagligtas na ilabas ang Aklat ni Mormon. Ngunit nagsisimula pa lamang ang Kanyang gawain ng Pagpapanumbalik. Bukod pa sa pagpapanumbalik ng doktrina at awtoridad ng priesthood, nilinaw na ng Panginoon sa mga naunang paghahayag na nais din Niyang magpanumbalik ng isang pormal na organisasyon—ang Kanyang Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 10:53; 18:5). Noong Abril 6, 1830, mahigit 40 mananampalataya ang nagsiksikan sa bahay ng pamilya Whitmer sa Fayette, New York, na yari sa troso para saksihan ang pag-oorganisa ng Simbahan ni Jesucristo.

Nagtataka ang ilang tao kung bakit kailangan ang isang organisadong Simbahan. Ang sagot ay matatagpuan, kahit bahagya lamang, sa mga paghahayag na konektado sa unang pulong ng Simbahan noong 1830. Inilalarawan ng mga ito ang mga pagpapala na hindi sana naging posible kung hindi “binuo nang wasto at itinatag” sa mga huling araw ang totoong Simbahan ni Jesucristo (Doktrina at mga Tipan 20:1).

Tingnan din sa Mga Banal, 1:96–99; “Build Up My Church,” sa Revelations in Context, 29–32.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Doktrina at mga Tipan 20–21

Ipinanumbalik na ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan.

Bakit tayo may organisadong Simbahan? Ang pinakamagandang sagot marahil ay “Dahil nag-organisa ng isa si Jesucristo.” Habang pinag-aaralan mo ang Doktrina at mga Tipan 20–21, maaari mong mapansin ang mga pagkakatulad sa pagitan ng Simbahang Kanyang itinatag noong unang panahon at ng ipinanumbalik Niya ngayon. Gamitin ang sumusunod na mga talata tungkol sa Simbahan ng Tagapagligtas noong unang panahon: Mateo 16:15–19; Juan 7:16–17; Efeso 2:19–22; 3 Nephi 11:23–26; Moroni 4–5. Gamitin ang mga talatang ito para mag-aral tungkol sa ipinanumbalik na Simbahan: Doktrina at mga Tipan 20:17–25, 60, 72–79; 21:1–2. Maaari mong itala ang makikita mo sa isang table na tulad ng isang ito:

Doktrina

Mga ordenansa

Awtoridad ng priesthood

Mga propeta

Sinaunang Simbahan ni Cristo

Doktrina

Mga ordenansa

Awtoridad ng priesthood

Mga propeta

Ipinanumbalik na Simbahan ni Cristo

Doktrina

Mga ordenansa

Awtoridad ng priesthood

Mga propeta

Ano ang natutuhan mo mula sa aktibidad na ito kung bakit itinatag ni Jesucristo—at ipinanumbalik—ang Kanyang Simbahan?

Tingnan din sa Dallin H. Oaks, “Ang Pangangailangan para sa Isang Simbahan,” Liahona, Nob. 2021, 24–26.

Mag-anyaya ng pagbabahagi. Kapag inanyayahan mo ang mga tao na ibahagi ang natututuhan nila nang personal, mahihikayat silang magpatuloy sa kanilang personal na pag-aaral. Ano ang maaari mong hikayating ibahagi ng iba?

Doktrina at mga Tipan 20:37, 75–7922

Tinutulungan ako ng mga sagradong ordenansa na maging katulad ng Tagapagligtas.

Nang maorganisa ang Simbahan, tinuruan ng Panginoon ang Kanyang mga Banal tungkol sa mga sagradong ordenansa, kabilang na ang binyag at ang sakramento. Habang nagbabasa ka tungkol sa mga ordenansang ito, pagnilayan kung paano ipinadarama sa iyo ng mga ito na konektado ka sa Tagapagligtas. Halimbawa, paano napapanatili ng mga ordenansang ito ang iyong “matibay na hangaring paglingkuran [si Jesucristo] hanggang wakas”? (talata 37). Maaari mo ring basahin ang mga panalangin sa sakramento (mga talata 77, 79) at isipin na kunwari’y naririnig mo ang mga ito sa unang pagkakataon. Anong mga kabatiran ang natanggap mo?

Tingnan din sa D. Todd Christofferson, “Bakit Mahalagang Tahakin ang Landas ng Tipan,” Liahona, Mayo 2021, 116–19.

binatilyong nagpapasa ng sakramento

Doktrina at mga Tipan 20:38–60

Pinagpapala ng paglilingkod ng priesthood ang mga miyembro ng Simbahan at ang kanilang pamilya.

Naisip mo na ba kung bakit mahalaga sa Tagapagligtas na ipanumbalik ang priesthood sa Kanyang Simbahan? Ang pagbabasa kung ano ang ipinagagawa Niya sa mga priesthood holder sa Doktrina at mga Tipan 20:38–60 ay maaaring magbigay sa iyo ng ilang kabatiran. Paano napagpala ng Tagapagligtas ang inyong pamilya sa pamamagitan ng gawaing inilalarawan sa mga talatang ito?

Bukod pa sa mga inorden sa priesthood, ang kababaihang itinalagang maglingkod sa Simbahan ay gumagamit din ng awtoridad ng Diyos habang nakikilahok sila sa Kanyang gawain. Para malaman kung paano, tingnan sa mensahe ni Pangulong Dallin H. Oaks na “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood” (Liahona, Mayo 2014, 49–52).

Tingnan din sa Topics and Questions, “Joseph Smith’s Teachings about Priesthood, Temple, and Women,” Gospel Library.

Doktrina at mga Tipan 21

icon ng seminary
Ang pagsunod sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta ay magbibigay sa akin ng proteksyon ng langit.

Ang Doktrina at mga Tipan 21:4–9 ay naglalaman ng mga paanyaya na sundin ang propeta ng Panginoon at ng makapangyarihang mga pangako para sa mga taong ginagawa ito. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na ideya na pagnilayan ang mga talatang ito:

  • Anong mga salita sa mga talata 4–5 ang naglalarawan sa nais ipagawa sa iyo ng Tagapagligtas sa mga salita ng Kanyang buhay na propeta? Sa palagay mo, bakit kailangan ng “pagtitiis at pananampalataya” para magawa ito?

  • Pagnilayan ang matalinghagang paglalarawang ginagamit ng Tagapagligtas sa talata 6 para ilarawan ang mga pagpapala ng pagsunod sa Kanyang propeta. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “pintuan ng impiyerno”? Paano “[itinataboy ng Panginoon] ang mga kapangyarihan ng kadiliman” para sa iyo? Ano ang ibig sabihin ng “[mayayanig] ang kalangitan para sa inyong ikabubuti”?

  • Ano ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon sa pamamagitan ng kasalukuyang Pangulo ng Simbahan? Paano natupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako nang sundin mo ang Kanyang payo?

Ilista ang mga karagdagang kabatirang natamo mo mula sa sumusunod na mga bahagi ng mensahe ni Elder Neil L. Andersen na “Ang Propeta ng Diyos” (Liahona, Mayo 2018, 24–27):

  • Bakit Natin Sinusunod ang Propeta:

  • Bantay sa Tore:

  • Huwag Kayong Mabibigla:

Tingnan din sa “Watchman on the Tower” (video), ChurchofJesusChrist.org; Mga Paksa at Tanong, “Mga Propeta,” Gospel Library; “Tinig ng Propeta,” Mga Himno, blg. 16.

4:17

Watchman on the Tower

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Tao, Lugar, Pangyayari

Magklik para makita pa ang iba

icon 02 ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Doktrina at mga Tipan 20–21

Ipinanumbalik na ang Simbahan ni Jesucristo.

  • Isiping gamitin ang section heading para sa Doktrina at mga Tipan 21, kabanata 9 ng Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, o ang video na “Organization of the Church” (ChurchofJesusChrist.org) para maipaunawa sa iyong mga anak kung ano ang nangyari sa araw na inorganisa ang Simbahan.

    2:37
  • Marahil ay maaaring itugma ng iyong mga anak ang mga larawan ni Jesucristo, isang taong nagmiministeryo, isang binyag, at ang sakramento sa mga talata sa bahagi 20 (tingnan sa mga talata 21–23, 47, 72–74, 75–79). Gamitin ang mga larawan at talatang ito para talakayin ang mga pagpapalang mayroon tayo dahil ipinanumbalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan.

Doktrina at mga Tipan 20:37, 41, 71–74

Kapag ako ay nabinyagan at nakumpirma, nangangako ako na susundin ko si Jesucristo.

  • Maaaring masiyahan ang iyong mga anak na makita ang larawan ng isang batang binibinyagan at kinukumpirma. Maaari nilang ituro kung paano ito tumutugma sa mga tagubilin sa Doktrina at mga Tipan 20:41, 71–74. Ano ang natutuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan 20:37 tungkol sa mga taong gustong magpabinyag? Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 53) o panoorin ang video na “The Baptism of Jesus” (Gospel Library).

    2:54

    The Baptism of Jesus

    batang babaeng binibinyagan at batang babaeng kinukumpirma
  • Kung nabinyagan at nakumpirma na ang iyong mga anak, tanungin sila tungkol sa kanilang karanasan. May mga larawan ba silang maaaring ipakita? Kausapin sila kung ano ang ginagawa nila para masunod si Jesucristo at kung paano Niya sila pinagpapala.

Doktrina at mga Tipan 20:75–79

Maaari kong taglayin sa aking sarili ang pangalan ni Jesus at lagi Siyang alalahanin.

  • Maaaring hanapin ng iyong mga anak ang salitang “pumapayag” kapwa sa Doktrina at mga Tipan 20:37 (tungkol sa binyag) at talata 77 (ang panalangin sa sakramento). Ano ang nais ni Jesucristo na maging handa tayong gawin? Maaari sigurong maghanap ang iyong mga anak ng isang bagay na may pangalang nakasulat (tulad ng pangalan ng brand o pangalan ng tao). Ano ang sinasabi sa atin ng pangalan tungkol sa item na iyon? Ano ang ibig sabihin ng taglayin ang pangalan ni Jesucristo sa ating sarili?

  • Isiping basahin nang sama-sama ang Doktrina at mga Tipan 20:77 at hilingin sa iyong mga anak na tukuyin ang mga pangakong ginagawa natin bilang bahagi ng sakramento. Maaari sigurong magpalitan sila sa pag-akto ng isang bagay na magagawa nila para “laging alalahanin” ang Tagapagligtas at hulaan nila kung ano ang inaakto ng bawat isa. Ayon sa talata 77, paano tayo pinagpapala kapag lagi nating inaalala ang Tagapagligtas?

Doktrina at mga Tipan 21:4–6

Pinagpapala ako ni Jesus kapag sinusunod ko ang Kanyang propeta.

  • Matapos matuklasan ang mga paanyaya at pangako sa Doktrina at mga Tipan 21:4–6, maaaring tingnan ng iyong mga anak ang isang larawan ng kasalukuyang propeta at ibahagi ang isang bagay na natutuhan o narinig nila mula sa kanya. Ibahagi sa isa’t isa ang mga paraan na pinagpala kayo ni Jesucristo dahil sa pagsunod sa Kanyang propeta.

Pangulong Nelson

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

si Joseph Smith na itinatalaga ni Oliver Cowdery

Oliver Cowdery Ordains Joseph Smith [Inoorden ni Oliver Cowdery si Joseph Smith], ni Walter Rane

pahina ng aktibidad para sa mga bata