Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Peter Whitmer Sr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Peter Whitmer Sr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Peter Whitmer, Sr.
(1773–1854)
Si Peter Whitmer Sr. ay ipinanganak sa Harrisburg, Pennsylvania. Siya at ang kanyang asawang si Mary Musselman ay lumipat sa Fayette, New York, noong 1809. Noong 1829, pinatuloy ng pamilya Whitmer sa kanilang tahanan sina Joseph Smith, Emma Hale Smith, at Oliver Cowdery noong panahong isinasalin ang Aklat ni Mormon. Ang pulong para sa organisasyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay idinaos sa tahanan ng mga Whitmer noong ika-6 ng Abril 1830, at makalipas ang ilang araw ay doon din idinaos ang unang serbisyo ng pagsamba na bukas sa publiko. Sumapi si Whitmer sa Simbahan kalaunan sa buwang iyon. Kabilang sa opisyal na mga saksi sa mga laminang ginto kung saan kinuha ang isinalin na Aklat ni Mormon ay ang mga anak ni Whitmer na sina David, Christian, Jacob, Peter Jr., at John, gayundin ang manugang ni Whitmer na si Hiram Page. Si Peter Whitmer Sr. ay lumipat kasama ang mga Banal sa Kirtland, Ohio, noong 1831 at sa Missouri noong 1832. Noong taon ding iyon, ikinasal si Oliver Cowdery sa anak ni Whitmer na si Elizabeth Ann. Tumanggap si Joseph Smith ng ilang paghahayag sa tahanan ni Peter Whitmer Sr. (tingnan, halimbawa, sa Doktrina at mga Tipan 14–18; 20–21; 28–30; 34; 38–40). Noong mga huling taon ng dekada ng 1830, nanlamig si Whitmer sa Simbahan.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan