Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Peter Haws Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Peter Haws, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Peter Haws
(1796–1862)
Si Peter Haws ay ipinanganak sa Leeds County, Johnstown District (kalaunan sa Ontario), Upper Canada. Pinakasalan niya si Charlotte Harrington. Matapos mabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, lumipat siya sa Kirtland, Ohio. Nagmisyon siya kasama si Erastus Snow sa Illinois noong 1839 at lumipat sa Illinois noong taon ding iyon. Si Haws ay naglingkod bilang kahalili sa high council sa Nauvoo, Illinois, mula 1840 hanggang 1844. Naglingkod din siya bilang trustee ng Nauvoo House Association (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:62, 70). Inorden siya bilang high priest noong 1841. Noong 1843, nagmisyon siya kasama si Amasa Lyman para makalikom ng pondo para sa pagtatayo ng Nauvoo Temple at ng Nauvoo House; kalaunan sa taong iyon, nagmisyon siya sa Mississippi at Alabama. Noong Marso 1844, siya ay tinanggap sa Konseho ng Limampu. Noong 1846, si Haws ay lumipat kalaunan sa naging Council Bluffs, Teritoryo ng Iowa. Matapos bisitahin ang kolonya ni Lyman Wight sa Texas noong 1848, bumalik siya sa Council Bluffs, kung saan siya ay itiniwalag noong 1849.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan