Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Reynolds Cahoon, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Reynolds Cahoon, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Reynolds Cahoon
(1790–1861)
Si Reynolds Cahoon ay ipinanganak sa Cambridge, New York. Pinakasalan niya si Thirza Stiles noong 1810. Noong 1825, lumipat siya malapit sa Kirtland, Ohio. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1830 at inorden bilang elder at high priest noong Hunyo 1831. Pagkaraan ng dalawang araw, siya ay inatasan sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon sa Missouri (Doktrina at mga Tipan 52:30). Naglakbay siya pabalik sa Kirtland kasama si Joseph Smith matapos ilaan ng propeta ang Independence, Missouri, para sa pagtatatag ng Sion (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 61:35). Naglingkod siya bilang tagapayo ni Bishop Newel K. Whitney sa Kirtland simula noong 1832. Nang sumunod na taon, inatasan siyang magmisyon sa Warsaw, New York.
Noong nasa Kirtland, si Cahoon ay tumulong na pangasiwaan ang pagtatayo ng Kirtland Temple (Doktrina at mga Tipan 94:13–15), naging stockholder sa Kirtland Safety Society, at naglingkod sa Kirtland stake presidency. Noong 1838, lumipat siya sa Missouri, kung saan siya naging tagapayo sa stake presidency ng Adam-ondi-Ahman.
Tumakas si Cahoon papuntang Missouri kasama ang mga Banal, at kalaunan ay lumipat sa Nauvoo, Illinois, kung saan siya naglingkod sa komite sa pagtatayo ng templo ng Nauvoo at tinanggap sa Konseho ng Limampu. Lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah noong 1848.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan