Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Gideon Carter


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Gideon Carter, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Gideon Carter, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Gideon Carter

(1798–1838)

Si Gideon Carter ay ipinanganak sa Killingworth, Connecticut, noong 1798. Pinakasalan niya si Hilah (Hilda) Burwell noong 1822. Noong Oktubre 1831, nabinyagan si Carter sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang priest sa Orange, Ohio. Nang sumunod na Enero, inorden siya bilang elder at tinawag na magmisyon (Doktrina at mga Tipan 75:34). Matapos mangaral sa Pennsylvania, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, noong Setyembre 1832. Nang sumunod na taon, siya ay nag-asawang muli at pinakasalan si Charlotte Woods. Noong 1837, siya ay naglingkod sa high council sa Kirtland at miyembro ng Kirtland Safety Society. Lumipat siya sa Far West, Missouri, noong 1838, at napatay sa Battle of Crooked River sa Ray County, Missouri.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 75