Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: David Fullmer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David Fullmer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David Fullmer
(1803–79)
Si David Fullmer ay ipinanganak sa Chillisquaque, Pennsylvania, noong 1803. Pinakasalan niya si Rhoda Ann Marvin noong 1831. Noong Setyembre 1836, nabinyagan si Fullmer sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Ohio. Lumipat siya sa Caldwell County, Missouri, noong 1837, at sa Daviess County, Missouri, noong 1838. Nang sumunod na taon, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo. Doon siya inorden bilang high priest at naging miyembro ng high council sa Nauvoo. Noong 1844 ay nagmisyon siya sa Michigan. Si Fullmer ay miyembro rin ng Konseho ng Limampu. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga Banal sa mga Huling Araw palabas ng Nauvoo noong 1846, at noong 1847 ay lumipat siya sa Winter Quarters sa hindi organisadong teritoryo ng Estados Unidos (kalaunan sa Omaha, Nebraska). Nang sumunod na taon, lumipat siya sa Lunsod ng Salt Lake sa magiging Teritoryo ng Utah, kung saan siya pumanaw noong 1879.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan