Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Martin Harris, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Martin Harris, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Martin Harris
(1783–1875)
Martin Harris, 1870, retratong kuha ni Charles William Carter, Church History Library, PH 1700 4449.
Si Martin Harris ay ipinanganak sa Easton, New York. Pinakasalan niya si Lucy Harris noong 1808. Si Martin Harris ay naging mayamang magsasaka sa Palmyra, New York. Matapos siyasatin ang ilang denominasyong Kristiyano, nakilala niya si Joseph Smith, at kalaunan ay nagbalik-loob sa ebanghelyo. Nagdala si Harris ng mga kopya ng mga titik mula sa mga laminang ginto sa mga iskolar noong Pebrero 1828 at naglingkod bilang tagasulat ni Joseph Smith nang isinalin nito ang Aklat ni Mormon kalaunan sa tagsibol na iyon. Nasangkot siya sa pagkawala ng unang pagsasalin ng Aklat ni Mormon noong Hunyo 1828 (Doktrina at mga Tipan 3, 10). Nang sumunod na taon, si Harris ay naging isa sa Tatlong Saksi ng Aklat ni Mormon (Doktrina at mga Tipan 5). Sa pagbebenta ng 151 ektarya ng kanyang bukid, binayaran niya ang mga gastos sa paglilimbag para sa paglalathala ng unang edisyon ng Aklat ni Mormon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:26).
Naroon si Harris nang itatag ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong ika-6 ng Abril 1830 at nabinyagan siya sa araw na iyon. Lumipat siya kasama ng mga Banal sa Kirtland, Ohio, noong 1831 at, matapos tawagin sa pamamagitan ng paghahayag (Doktrina at mga Tipan 52:24), nagmisyon siya sa Missouri sa taon ding iyon. Noong 1834, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Dahil naghiwalay sila ng kanyang unang asawa, pinakasalan niya si Caroline Young noong 1836 o 1837. Kalaunan ay nilisan niya ang Simbahan, ngunit noong 1870 ay lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah at muling nabinyagan.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 3, 5, 10, 17, 19, 52, 58, 70, 82, 102, 104