Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Amasa M. Lyman


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Amasa M. Lyman, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Amasa M. Lyman, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Amasa M. Lyman

(1813–77)

Retrato ni Amasa M. Lyman

Amasa M. Lyman, retrato, Church History Library, PH 1700 3741.

Si Amasa Lyman ay ipinanganak sa Lyman, New Hampshire, noong 1813. Noong Abril 1832, siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ilang beses siyang nagmisyon noong dekada ng 1830 at mga unang taon ng dekada ng 1840. Noong 1834, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Nang sumunod na taon, naging miyembro siya ng Pitumpu at pinakasalan si Maria Louisa Tanner sa Kirtland, Ohio. Sa pagitan ng 1837 at 1841, lumipat si Lyman sa iba’t ibang lugar, kabilang na ang Far West, Missouri, at Nauvoo, Illinois. Sa Nauvoo, siya ay naging miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, tagapayo sa Unang Panguluhan, at miyembro ng Konseho ng Limampu. Noong 1847 at 1848, siya ang kapitan ng mga pangkat ng mga bagon sa paglalakbay patungong Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 136:14). Noong 1851, siya ay hinirang na magtatag ng isang pamayanan ng mga Banal sa mga Huling Araw sa San Bernardino, California. Mula 1860 hanggang 1862, naglingkod si Lyman bilang pangulo ng European mission. Noong 1867, siya ay inalis sa Korum ng Labindalawa, at noong 1870, siya ay itiniwalag. Sa taon ding iyon, siya ay naging pangulo ng Church of Zion (na nakilala kalaunan bilang “Godbeites”).

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124136