Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Burr Riggs, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Burr Riggs, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Burr Riggs
(1811–60)
Si Burr Riggs, isang botaniko at manggagamot, ay ipinanganak sa Oxford, Connecticut. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder bago sumapit ang ika-3 ng Hunyo 1831. Kalaunan sa taong iyon, inorden siya bilang high priest sa Orange, Ohio. Noong Enero 1832, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon sa gawing timog ng Estados Unidos (Doktrina at mga Tipan 75:17). Siya ay itiniwalag noong Pebrero 1833, ngunit bumalik sa Simbahan pagkatapos nang maikling panahon. Noong 1834, siya ay nagmartsa mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng Kampo ng Israel at sa taon ding iyon ay pinakasalan niya si Lovina S. Williams sa Geauga County, Ohio. Noong 1835 ay sinamahan ni Riggs si Joseph Young sa misyon sa New York at Massachusetts. Lumipat si Riggs sa Caldwell County, Missouri, noong 1836 at sa Quincy, Illinois, noong 1839. Siya ay itiniwalag sa Quincy noong Marso 1839, ngunit siya ay ibinalik kalaunan. Namatay si Lovina noong 1846 at pinakasalan ni Riggs si Eunice M. Stone noong 1851. Si Riggs ay inilibing sa Quincy.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan