Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Corrill


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Corrill, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John Corrill, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John Corrill

(1794–1842)

Si John Corrill ay ipinanganak sa Worcester County, Massachusetts. Noong mga 1830, pinakasalan niya si Margaret Lyndiff. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Kirtland, Ohio, at inorden bilang elder noong Enero 1831. Si Corrill ay tinawag sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon noong 1831 (Doktrina at mga Tipan 50:3852:7). Matapos maglingkod sa New London, Ohio, siya ay inorden bilang high priest at hinirang na pangalawang tagapayo ni Bishop Edward Partridge, na tungkuling hawak niya hanggang noong 1837. Kalaunan noong 1831, lumipat siya sa Jackson County, Missouri, kung saan pinamunuan niya ang isang grupo ng mga miyembro ng Simbahan hanggang 1833. Noong Nobyembre 1833, pinalayas siya mula sa Jackson County kasama ng mga Banal at lumipat sa Clay County, Missouri. Mula 1834 hanggang 1836 nanirahan siya sa Kirtland at tumulong sa pagtatayo ng templo. Pagkatapos ay bumalik siya sa Missouri, tumulong na matagpuan ang Far West, at hinirang na “Tagapagbantay ng kamalig ng Panginoon” doon.

Si Corrill ay hinirang na mananalaysay ng Simbahan noong Abril 1838. Noong Nobyembreng iyon, nagpatotoo siya laban kay Joseph Smith nang litisin ito sa salang pagtataksil kaugnay ng alitan sa Missouri. Nang sumunod na taon, habang nakatira sa Illinois, si Corrill ay itiniwalag. Noong 1839, inilathala niya ang A Brief History of the Church of Christ of Latter Day Saints, (Commonly Called Mormons) [Isang Maikling Kasaysayan ng Simbahan ni Cristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (Karaniwang Tinatawag na mga Mormon)].

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 5052