Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Samuel Bent, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Samuel Bent, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Samuel Bent
(1778–1846)
Si Samuel Bent ay ipinanganak sa Barre, Massachusetts. Pinakasalan niya si Mary Kilburn noong 1805. Noong 1833, siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, inorden bilang elder, at nagmisyon sa Teritoryo ng Michigan. Sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri noong 1834 at dumalo sa taimtim na pagtitipon sa Kirtland Temple noong 1836. Kalaunan sa taong iyon, lumipat siya sa Missouri, kung saan, noong 1837, siya ay nag-asawang muli at ikinasal kay Lettice Palmer. Noong Agosto 1837, naglilingkod na siya sa high council sa Far West. Noong Oktubre 1839, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo. Doon siya hinirang bilang miyembro ng high council sa Nauvoo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:132). Hinirang siya noong 1840 na magmisyon sa Illinois, Indiana, at Ohio para mangolekta ng pera na pambayad sa mga utang ng Simbahan at pag-imprenta ng aklat. Noong 1844, si Bent ay tinanggap sa Konseho ng Limampu at nagmisyon sa Illinois, Michigan, at Indiana. Matapos lisanin ang Nauvoo noong 1846, pinanguluhan niya ang branch ng Simbahan sa Garden Grove, Teritoryo ng Iowa.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan