Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Lyman Wight


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Lyman Wight, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Lyman Wight, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Lyman Wight

(1796–1858)

Si Lyman Wight ay ipinanganak sa Fairfield, New York. Pinakasalan niya si Harriet Benton noong 1823. Noong Nobyembre 1830, siya ay bininyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Noong 1831 at 1832, nagmisyon siya sa Missouri, Ohio, at Virginia (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 52:3, 7). Noong Nobyembre 1833, siya at ang iba pang mga Banal sa mga Huling Araw ay pinalayas sa Jackson County, Missouri. Nang sumunod na taon, tumulong siya sa pag-recruit ng mga boluntaryo para sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel at sumama siya rito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 103:30). Lumipat siya sa Caldwell County, Missouri, noong 1837 at sa Adan-Ondi-Ahman, Missouri, kung saan siya naglingkod sa stake presidency, noong 1838. Noong 1838 at 1839, ibinilanggo siya kasama ni Joseph Smith sa iba’t ibang panig ng Missouri. Kalaunan ay lumipat si Wight sa Nauvoo, Illinois, kung saan siya naging miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sa pagitan ng 1841 at 1844, ilang beses siyang nagmisyon sa Estados Unidos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:18). Siya ay tinanggap sa Konseho ng Limampu noong Mayo 1844, ngunit siya ay tinanggal sa konseho noong Pebrero 1845. Nang sumunod na Nobyembre, pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga Banal sa mga Huling Araw mula sa Wisconsin Territory patungo sa Republic of Texas. Si Wight ay itiniwalag noong 1848.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 52, 103124