Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Lyman Sherman, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Lyman Sherman, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Lyman Sherman
(1804–39)
Si Lyman Sherman ay ipinanganak sa Monkton, Vermont. Noong 1829, pinakasalan niya si Delcena Didamia Johnson, at nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw makalipas ang tatlong taon. Noong 1833, nakatira siya sa Kirtland, Ohio. Nang sumunod na taon, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Siya ay hinirang na pangulo ng Unang Korum ng Pitumpu noong 1835 (Doktrina at mga Tipan 108), at inorden siya bilang high priest at hinirang sa high council sa Kirtland noong 1837. Noong Oktubre 1838, lumipat siya sa Far West, Missouri, kung saan siya hinirang na pansamantalang miyembro ng high council sa Far West. Si Sherman ay hinirang sa Korum ng Labindalawang Apostol noong Enero 1839, ngunit pumanaw siya sa Far West bago ito naipabatid sa kanya at bago siya naorden.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan