Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John C. Bennett


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John C. Bennett, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John C. Bennett, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John C. Bennett

(1804–67)

Retrato ni John C. Bennett

John C. Bennett, 1842, engraving ni Oliver Pelton mula sa drowing ni Alvan Clark, Church History Library, PH 1700 5100.

Si John C. Bennett ay ipinanganak sa Fairhaven, Massachusetts. Pinakasalan niya si Mary A. Barker noong 1826 at lumipat sa Nauvoo, Illinois, noong 1840, kung saan siya nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Tumulong siya sa pagbalangkas at pagtiyak ng charter ng lungsod ng Nauvoo noong taon ding iyon. Noong 1841–42, siya ay naglingkod bilang assistant president sa Unang Panguluhan at nagkaroon ng maraming mataas na posisyong pangsibiko at panlipunan. Noong 1842, si Bennett ay itiniwalag dahil sa pangangalunya, inalis sa maraming posisyong pangsibiko at panlipunan, at nadiborsyo sa kanyang asawa. Matapos siyang itiwalag sa Simbahan, hayagan niyang pinaratangan si Joseph Smith na nangalunya at nagplano sa bigong pagpatay kay Lilburn W. Boggs na dating gobernador ng Missouri noong Mayo 1842. Hinimok din ni Bennett ang mga opisyal ng Missouri at Illinois na muling ibalik ang paratang na pagtataksil kay Joseph Smith noong 1838, na nagresulta sa pagdakip kay Joseph Smith noong Hunyo 1843. Pinakasalan ni Bennett si Sarah Ryder noong 1843. Nakipag-ugnayan siya sa iba pang mga simbahan na humiwalay sa Simbahan sa pagitan ng 1843 at 1847.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124