Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: David W. Patten, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David W. Patten, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David W. Patten
(1799–1838)
Si David W. Patten ay ipinanganak sa Vermont. Pinakasalan niya si Phoebe Ann Babcock noong 1828. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ng kanyang kapatid na si John Patten noong ika-15 ng Hunyo 1832, at inorden bilang elder makalipas ang dalawang araw. Inorden siya bilang high priest ni Hyrum Smith pagkaraan ng mga dalawang buwan. Noong Disyembre 1833, tumulong siya sa paghahatid ng mga mensahe sa mga lider ng Simbahan sa Clay County, Missouri mula kay Joseph Smith. Noong Pebrero 1835, si Patten ay inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sa pagitan ng 1832 at 1835, nagmisyon si Patten sa Michigan Territory, silangang Estados Unidos (dalawang beses), sa katimugang Estados Unidos, at Tennessee. Lumipat si Patten sa Far West, Missouri, noong 1836. Siya ay pansamantalang miyembro ng panguluhan ng Simbahan sa Far West noong 1838. Dahil aktibo sa mga pagsisikap ng mga Banal sa mga Huling Araw na ipagtanggol ang Caldwell County, Missouri, siya ay nabaril na kanyang ikinamatay sa labanan sa Crooked River, malapit sa Ray County, Missouri, noong Oktubre 1838. Namatay siya malapit sa Far West (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:19, 130).
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan