Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Smith Sr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Joseph Smith Sr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Joseph Smith Sr.
(1771–1840)
Si Joseph Smith Sr. ay ipinanganak sa Topsfield, Massachusetts, noong 1771. Noong 1796, pinakasalan niya si Lucy Mack sa Tunbridge, Vermont. Siya ay tumanggap ng naunang paghahayag (Doktrina at mga Tipan 4). Noong Hunyo 1829, isa siya sa Walong Saksi ng Aklat ni Mormon, at nang sumunod na taon, noong ika-6 ng Abril 1830, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Seneca, New York. Noong 1831, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan siya inorden bilang high priest, lumahok sa Paaralan ng mga Propeta, naglingkod sa mataas na kapulungan o high council sa Kirtland (Doktrina at mga Tipan 102:3), at tinawag bilang patriarch at assistant president ng Simbahan. Noong 1836, sinamahan niya ang kanyang kapatid na si John Smith sa isang misyon sa silangang Estados Unidos. Lumipat siya sa Far West, Missouri, noong Mayo 1838, sa Quincy, Illinois, noong Pebrero 1839, at pagkatapos ay sa Nauvoo, Illinois, sa tagsibol. Nang sumunod na taon ay pumanaw siya sa Nauvoo.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan