Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Robert D. Foster


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Robert D. Foster, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Robert D. Foster, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Robert D. Foster

(1811–78)

Si Robert D. Foster ay ipinanganak sa Braunston, Northamptonshire, England, noong 1811. Pinakasalan niya si Sarah Phinney sa Medina County, Ohio, noong 1837. Si Foster ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bago ang buwan ng Oktubre 1839, nang maorden siya bilang elder sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo. Mula Oktubre 1839 hanggang Pebrero 1840, sinamahan niya si Joseph Smith at ang iba pa sa Washington, D.C., upang humingi ng lunas sa mga hinaing ng mga Banal sa Missouri. Isang paghahayag noong Enero 1841 ang nagtagubilin kay Foster na magtayo ng bahay para kay Joseph Smith at bumili ng stock para sa pagtatayo ng Nauvoo House (Doktrina at mga Tipan 124:115–117). Noong tagsibol ng 1844, itiniwalag si Foster. Pagkatapos ay naging isa siya sa mga tagapaglathala ng pahayagang Nauvoo Expositor na kumakalaban sa Simbahan at hinirang na apostol sa isang bagong simbahan na itinatag ni William Law. Siya ay aktibo sa pagkilos laban kay Joseph Smith hanggang sa mapaslang ang propeta noong Hunyo 1844.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124