Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: George Miller, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
George Miller, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
George Miller
(1794–1856)
Si George Miller ay ipinanganak malapit sa Stanardsville, Virginia. Pinakasalan niya si Mary C. Fry noong 1822 at bininyagan siya ni John Taylor sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1839. Noong 1840, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan siya ay inorden bilang high priest nina Joseph Smith, Hyrum Smith, at Newel Knight. Sa Nauvoo, siya ay isang trustee at pangulo ng Nauvoo House Association (Doktrina at mga Tipan 124:62, 70). Noong 1841, siya ay hinirang na bishop. Si Miller ay naging pangulo rin ng mga high priest at tinanggap sa Konseho ng Limampu. Noong mga unang taon ng 1840s, nagmisyon si Miller sa Teritoryo ng Iowa at Illinois, sa Kentucky, sa mga mapunong Teritoryo ng Wisconsin para bumili ng tabla para sa Nauvoo Temple at Nauvoo House, at muli sa Kentucky para ikampanya si Joseph Smith bilang pangulo ng Estados Unidos. Si Miller ay isa sa tatlong trustees-in-trust para sa Simbahan matapos ang kamatayan ni Joseph Smith noong 1844. Kalaunan sa taong iyon, siya ay hinirang na “pangalawang bishop” sa ilalim ni Newel K. Whitney. Si Miller ay sandaling nakipag-ugnayan sa grupo ng mga Banal sa mga Huling Araw na pinamunuan ni Lyman Wight sa Texas noong 1848, pagkatapos niyon ay itiniwalag si Miller at kalaunan ay sumapi sa Church of Jesus Christ of Latter Day Saints ni James J. Strang.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan