Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William W. Phelps


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William W. Phelps Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William W. Phelps, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William W. Phelps

(1792–1872)

Retrato ni William W. Phelps

William Wines Phelps, mga 1865, retratong kuha ni Charles R. Savage, Church History Library, PH 1700 4495.

Si William W. Phelps ay ipinanganak sa Hanover, New Jersey, noong 1792. Pinakasalan niya si Sally Waterman noong 1815. Noong Hunyo 1831, si Phelps ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder sa Kirtland, Ohio. Nang sumunod na buwan, hinirang siya bilang manlilimbag ng Simbahan (Doktrina at mga Tipan 57:11). Noong mga huling buwan ng 1831, lumipat siya sa Independence, Missouri, kung saan niya pinamatnugutan ang The Evening and the Morning Star at ang Upper Missouri Advertiser. Si Phelps ay naging miyembro ng Literary Firm noong 1831 (Doktrina at mga Tipan 70) at miyembro ng United Firm noong 1832 (Doktrina at mga Tipan 82). Noong Nobyembre 1833, apat na buwan matapos wasakin ng mga mandurumog ang palimbagan ng Simbahan sa Independence, si Phelps at ang iba pang mga Banal sa mga Huling Araw ay lumipat sa Clay County, Missouri. Siya ay hinirang na tagapayo o assistant president ni David Whitmer, ang Pangulo ng Simbahan sa Missouri, noong Hulyo 1834. Bumalik si Phelps sa Kirtland noong 1835, kung saan tumulong siya sa pagsama-sama ng Doktrina at mga Tipan at ng unang mga himno ng Simbahan. Pagkatapos ay lumipat siya pabalik sa Missouri noong 1836. Sa pagitan ng 1838 at 1840, siya ay dalawang beses na itiniwalag at dalawang beses na muling tinanggap sa Simbahan. Noong Nobyembre 1842, lumipat siya sa Nauvoo, Illinois, kung saan tumulong siya sa pagpatnugot ng Times and Seasons at Nauvoo Neighbor at tinulungan si Willard Richards sa pagsulat ng kasaysayan ni Joseph Smith. Lumipat siya sa Teritoryo ng Utah noong 1848.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 55, 57, 58, 61, 67, 70, 8285