Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John S. Carter, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John S. Carter, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John S. Carter
(mga 1792–1834)
Si John S. Carter ay ipinanganak noong mga 1792. Noong 1813, pinakasalan niya si Elizabeth (Betsey) Kinyon sa Benson, Vermont. Bininyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong mga 1832. Kalaunan nang taong iyon, sinamahan niya ang kanyang kapatid na si Jared sa misyon sa Vermont. Pagkatapos ay tinulungan niya si Jared at ang isa pang kapatid na lalaki, si Simeon, na magtatag ng mga branch ng Simbahan sa North West Bay at Bolton, Vermont. Noong 1834, inorden si Carter bilang high priest; hinirang na maglingkod sa unang mataas na kapulungan o high council ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio (Doktrina at mga Tipan 102:3, 34); at tinawag na samahan si Jesse Smith sa misyon sa silangang Estados Unidos. Matapos maglakbay patungong Missouri sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel, pumanaw si Carter dahil sa kolera sa Clay County, Missouri.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan