Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Smith


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John Smith

(1781–1854)

Retrato ni John Smith

John Smith, retrato, Church History Library, PH 4820.

Si John Smith, nakababatang kapatid ni Joseph Smith Sr., ay ipinanganak sa Derryfield (kalaunan Manchester), New Hampshire, noong 1781. Pinakasalan niya si Clarissa Lyman noong 1815. Noong Enero 1832, siya ay bininyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Mula 1833 hanggang 1838 ay nanirahan siya sa Kirtland, Ohio, kung saan siya naging miyembro ng unang mataas na kapulungan o high council ng Simbahan (Doktrina at mga Tipan 102:3). Kalaunan ay naging pangulo siya ng high council at stockholder ng Kirtland Safety Society. Noong 1836, sinamahan niya si Joseph Smith Sr. sa isang misyon sa silangang Estados Unidos. Lumipat siya sa Far West, Missouri, noong Abril 1838, at makalipas lamang ang mahigit dalawang buwan, hinirang siyang pangulo ng stake sa Adan-Ondi-Ahman, Missouri. Matapos palayasin ang mga Banal sa Missouri, lumipat siya sa Nauvoo, Illinois, noong Hunyo 1839. Nang sumunod na Oktubre, lumipat siya sa Lee County, Iowa Territory, para maglingkod bilang branch president doon. Noong 1844 ay inorden si Smith bilang patriarch at hinirang bilang stake president ng Nauvoo. Lumipat siya kasama ng mga Banal sa Salt Lake Valley sa Utah Territory noong 1846–1847, kung saan siya inorden na patriarch ng Simbahan noong ika-1 ng Enero 1849.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 102