Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Luke Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Luke Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Luke Johnson
(1807–61)
Si Luke Johnson ay ipinanganak sa Pomfret, Vermont, noong 1807. Nabinyagan siya sa Hiram, Ohio, noong Mayo 1831, at kalaunan sa taon ding iyon ay inorden siya bilang elder at high priest. Tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon (Doktrina at mga Tipan 68:7–8; 75:9), at sa pagitan ng 1831 at 1833, nagmisyon siya sa Ohio, Pennsylvania, Virginia, at Kentucky. Pinakasalan niya si Susan Harminda Poteet noong Nobyembre 1833. Siya ay hinirang sa high council sa Kirtland, Ohio, noong Pebrero 1834 (Doktrina at mga Tipan 102:3), at kalaunan sa taon ding iyon ay nagmartsa siya mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng Kampo ng Israel. Si Johnson ay miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol mula 1835 hanggang 1837, sa panahong iyon ay nagmisyon pa siya sa silangang Estados Unidos at Upper Canada. Noong Setyembre 1837, siya ay na-disfellowship at pagkaraan ng maikling panahon ay inalis ang pagka-disfellowship. Siya ay itiniwalag dahil sa pag-aapostasiya noong sumunod na taon. Noong Marso 1846, siya ay muling nabinyagan sa Nauvoo, Illinois. Pumanaw ang kanyang unang asawa noong 1846, at noong 1847, pinakasalan niya si America Morgan Clark. Noong 1847, lumipat siya sa Utah.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan