Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Thomas Grover, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Thomas Grover, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Thomas Grover
(1807–86)
Si Thomas Grover ay ipinanganak sa Whitehall, New York. Pinakasalan niya si Caroline Whiting noong 1828 at nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ni Warren A. Cowdery noong 1834. Nang sumunod na taon, lumipat si Grover sa Kirtland, Ohio. Noong 1836, inorden siya bilang elder at hinirang sa high council sa Kirtland. Kasama ang kanyang pamilya, lumipat siya sa Far West, Missouri, noong 1837, kung saan muli siyang naglingkod sa high council. Miyembro siya ng isang komite sa Far West na nangasiwa para makaalis ang mga Banal sa mga Huling Araw mula sa Missouri noong 1839. Nang taon ding iyon, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, at hinirang sa high council doon. Noong 1841, siya ay nag-asawang muli at pinakasalan si Caroline Nickerson Hubbard. Si Grover ay naglingkod ng tatlong maikling misyon noong mga unang taon ng dekada ng 1840 at lumipat sa Lambak ng Salt Lake, sa Teritoryo ng Utah, noong Oktubre 1847.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan