Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Ezra Thayer


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Ezra Thayer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Ezra Thayer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Ezra Thayer

(1791–1862)

Si Ezra Thayer ay ipinanganak sa New York. Bago sumapit ang taong 1820, pinakasalan niya si Elizabeth Frank. Noong taglagas ng 1830, nabinyagan si Thayer sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong Oktubre ng taong iyon, tinawag si Thayer na magmisyon (Doktrina at mga Tipan 33). Noong Hunyo 1831, habang nakatira sa Kirtland, Ohio, inorden siya bilang high priest at tinawag na magmisyon sa Missouri (Doktrina at mga Tipan 52:22). Nang buwan ding iyon, pinayuhan siya sa isang paghahayag na iwaksi ang kanyang kapalaluan at kasakiman (Doktrina at mga Tipan 56:8). Sa pagbalik sa Kirtland, lumahok si Thayer sa Paaralan ng mga Propeta noong Enero 1833, at sa sumunod na taon, siya ay nagmartsa mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng Kampo ng Israel. Noong Mayo 1835, ang kanyang pagiging miyembro sa Simbahan ay sinuspinde nang walang itinakdang panahon kung hanggang kailan. Naglingkod siya sa high council sa Adan-ondi-Ahman, Missouri, noong Hunyo 1838. Matapos ang maikling kaugnayan sa samahan ni James J. Strang sa Voree, Wisconsin, sa mga unang taon ng 1850s, muling nabinyagan si Thayer sa Simbahan sa New York noong Setyembre 1854. Pagkaraan ng anim na taon, sumapi siya sa Reorganized Church of Jesus Christ of Latter Day Saints sa Galien, Michigan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 33, 52, 5675