Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Daniel Stanton


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Daniel Stanton, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Daniel Stanton, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Daniel Stanton

(1795–1872)

Si Daniel Stanton ay ipinanganak sa Manlius, New York. Pinakasalan niya si Clarinda Graves noong 1816. Noong huling bahagi ng 1830, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ni Parley P. Pratt sa Kirtland, Ohio. Nang sumunod na taon, inorden siya bilang priest ni Lyman Wight, bilang elder ni Joseph Smith, at bilang high priest ni Oliver Cowdery. Noong 1832, siya ay hinirang sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon kasama si Seymour Brunson (Doktrina at mga Tipan 75:33). Lumipat si Stanton sa Jackson County, Missouri, noong taon ding iyon. Noong 1833, siya ay hinirang na mangasiwa sa isang branch ng Simbahan sa Independence, Missouri. Noong 1838, lumipat siya sa Daviess County, Missouri, kung saan siya hinirang na miyembro ng mataas na kapulungan o high council sa Adan-ondi-Ahman. Kasama ang iba pang mga Banal, pinalayas siya sa Missouri at lumipat sa Illinois noong 1839. Si Stanton ay hinirang na miyembro ng high council sa Lima, Illinois, noong 1843. Nang sumunod na taon, inatasan siya at ang iba pa ni Brigham Young na lisanin ang Nauvoo at mamuno sa mga branch ng Simbahan sa ibang lugar. Noong 1852, lumipat siya sa Utah Territory, at tumulong siya sa pagsasaayos ng pamayanan ng St. George, Utah Territory, noong 1861.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 75