Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John F. Boynton, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John F. Boynton, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John F. Boynton
(1811–90)
Si John F. Boynton ay isinilang sa East Bradford, Massachusetts, noong 1811. Nabinyagan siya sa Kirtland, Ohio, noong Setyembre 1832, at makalipas ang dalawang buwan ay inorden siya bilang elder. Sa pagitan ng 1832 at 1834, nagmisyon siya sa Pennsylvania, Maine, at Ohio. Si Boynton ay inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong Pebrero 1835, at kalaunan sa taong iyon ay sinamahan niya ang Labindalawa sa isang misyon sa silangang Estados Unidos at Canada. Pinakasalan niya si Susannah (Susan) Lowell noong 1836. Noong Setyembre 1837, si Boynton ay na-disfellowship at pagkaraan ng maikling panahon ay inalis ang pagka-disfellowship. Kalaunan noong 1837, siya ay itiniwalag.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan