Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Edson Fuller


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Edson Fuller, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Edson Fuller, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Edson Fuller

(1809–79)

Si Edson Fuller ay ipinanganak sa Cazenovia, New York. Sa pagitan ng 1827 at 1830, lumipat siya sa Chardon, Ohio, kung saan pinakasalan niya si Celira Canfield noong Pebrero 1830. Bago sumapit ang tagsibol ng 1831, nabinyagan si Fuller sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nang sumunod na Hunyo, siya ay inorden bilang elder at tinawag na magmisyon sa Missouri (Doktrina at mga Tipan 52:28), ngunit tila hindi siya kailanman pumunta. Noong Setyembre 1831, siya ay “hindi na pinahintulutang humawak ng katungkulan ng Elder.” Noong 1838, nilisan na ni Fuller ang Simbahan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 52