Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William Law


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William Law Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William Law, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William Law

(1809–92)

Retrato ni William Law

William Law, retrato.

Si William Law ay ipinanganak sa County Tyrone, Ireland, noong 1809. Pinakasalan niya si Jane Silverthorn noong 1833 sa York, Upper Canada. Noong 1837, si Law ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong 1837 at 1838, naglingkod siya bilang nangungulong elder ng branch ng Simbahan sa Churchville, Canada. Noong 1839, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo. Noong Enero 1841, isang paghahayag ang nagtagubilin sa kanya na bumili ng stock para sa pagtatayo ng Nauvoo House (Doktrina at mga Tipan 124:82). Mula 1841 hanggang 1844, naglingkod siya bilang tagapayo sa Unang Panguluhan sa Nauvoo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:126). Sa panahong iyon, nagmisyon din siya sa Philadelphia, at naglingkod siya sa ilang posisyong pangsibiko. Noong Enero 1844, si Law ay tinanggal sa Unang Panguluhan, at siya ay itiniwalag noong Abril na iyon. Siya at ang iba pang mga tumiwalag ay nagtatag ng isang bagong simbahan, at si Law ay naging isa sa mga tagapaglathala ng antagonistikong pahayagang Nauvoo Expositor.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124