Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Don Carlos Smith


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Don Carlos Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Don Carlos Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Don Carlos Smith

(1816–41)

Kapatid ni Joseph Smith Jr., si Don Carlos Smith ay ipinanganak sa Norwich, Vermont, noong 1816. Noong Hunyo 1830, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Seneca Lake, New York. Noong sumunod na Agosto, sinamahan niya ang kanyang amang si Joseph Smith Sr. sa misyon sa pamilya ng kanyang lolo na si Asael Smith sa St. Lawrence County, New York. Noong Mayo 1831, lumipat si Don Carlos sa Kirtland, Ohio, kung saan nagtrabaho siya sa palimbagan sa Kirtland. Pinakasalan niya si Agnes Moulton Coolbrith noong 1835. Nang sumunod na taon, inorden siya bilang high priest, hinirang na pangulo ng high priests quorum sa Kirtland, at nagmisyon sa Pennsylvania at New York. Noong 1838 ay nagmisyon siya sa Virginia, Pennsylvania, at Ohio at isa pa sa Kentucky at Tennessee. Noong 1839, siya at ang iba pang mga Banal sa mga Huling Araw ay pinalayas sa Missouri at napilitang manirahan muli sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan si Smith ay hinirang na pangulo ng mga high priest. Mula 1839 hanggang 1841, tumulong siya sa pagpatnugot at paglathala ng pahayagan ng Simbahan, ang Times and Seasons. Humawak din siya ng ilang katungkulan sa lungsod. Pumanaw siya sa Nauvoo noong 1841.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124