Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Titus Billings, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Titus Billings, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Titus Billings
(1793–1866)
Si Titus Billings ay ipinanganak sa Greenfield, Massachusetts. Pinakasalan niya si Diantha Morley noong 1817 at lumipat sa Kirtland, Ohio, sa loob ng sumunod na tatlong taon. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Nobyembre 1830. Nang sumunod na taon, inorden siya bilang deacon. Noong Agosto 1831, iniutos sa kanya sa pamamagitan ng paghahayag na maghanda na lumipat sa “lupain ng Sion” (Doktrina at mga Tipan 63:39). Dahil dito, lumipat siya sa Jackson County, Missouri, noong 1832, kung saan siya inorden ni Thomas B. Marsh bilang elder. Kalaunan ay bumalik siya sa Kirtland, kung saan nakibahagi siya sa pagtatayo ng Kirtland Temple. Noong 1837, lumipat siya pabalik sa Missouri, kung saan siya inorden bilang high priest nina Edward Partridge at Isaac Morley.
Si Billings ay naglingkod bilang tagapayo ni Bishop Edward Partridge mula 1837 hanggang 1840, sa Missouri at Illinois. Naglingkod din siya sa high council sa Yelrome, Illinois, mula 1839 hanggang 1845. Noong 1841, si Billings ay hinirang na koronel sa Nauvoo Legion. Nang sumunod na taon, nagmisyon siya sa New England. Noong 1848, lumipat siya sa lugar na kalaunan ay naging Teritoryo ng Utah.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan