Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: George W. Harris


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: George W. Harris, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

George W. Harris, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

George W. Harris

(1780–1857)

Si George W. Harris ay ipinanganak sa Lanesboro, Massachusetts. Pinakasalan niya ang isang babaeng nagngangalang Elizabeth noong mga 1800. Siya ay nag-asawang muli at pinakasalan ang babaeng nagngangalang Margaret, na pumanaw noong 1828. Noong 1830, siya nag-asawang muli at pinakasalan si Lucinda Pendleton. Siya ay bininyagan ni Orson Pratt sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1834 sa Indiana. Noong 1836, lumipat siya sa Far West, Missouri. Siya ay hinirang sa high council sa Far West at inorden bilang high priest noong Abril 1838. Matapos mapalayas mula sa Missouri noong 1839, lumipat siya sa Illinois. Doon, sa Commerce, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, siya ay hinirang sa high council noong 1839. Si Harris ay nagsimulang maglakbay pakanluran kasama ng mga Banal sa mga Huling Araw mula sa Nauvoo noong 1846 at naglingkod bilang bishop at miyembro ng high council sa Council Bluffs, Teritoryo ng Iowa, sa taon ding iyon. Pumanaw siya sa Council Bluffs.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124