Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Orson Hyde


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Orson Hyde, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Orson Hyde, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Orson Hyde

(1805–78)

Retrato ni Orson Hyde

Orson Hyde, mga 1852, retratong kuha ni Marsena Cannon, Church History Library, PH 100.

Si Orson Hyde ay ipinanganak sa Oxford, Connecticut, noong 1805. Siya ay nabinyagan sa Kirtland, Ohio, noong Oktubre 1831 at inorden bilang high priest pagkaraan niyon. Noong 1832, matapos tawagin sa pamamagitan ng paghahayag (Doktrina at mga Tipan 75:13), nangaral siya sa silangang Estados Unidos kasama si Samuel Smith. Pagkatapos, bumalik si Hyde sa Kirtland, kung saan siya lumahok sa Paaralan ng mga Propeta, hinirang na klerk para kay Joseph Smith at sa kanyang mga tagapayo, at naging miyembro ng high council sa Kirtland (Doktrina at mga Tipan 102:3). Noong 1834, si Hyde ay hinirang sa pamamagitan ng paghahayag na mangalap ng pondo at magtipon ng mga tao para sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel (Doktrina at mga Tipan 103:40). Sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel, na nagmartsa mula Ohio patungong Missouri, kalaunan sa taon na iyon. Sa taon ding iyon, pinakasalan niya si Marinda Nancy Johnson. Noong 1835, si Hyde ay inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sa pagitan ng 1836 at 1838, nagmisyon siya sa New York, Upper Canada, at England, at pagkatapos ay lumipat siya sa Far West, Missouri. Inalis siya sa Labindalawa noong Mayo 1839 ngunit naibalik sa kanyang posisyon nang sumunod na buwan. Mula 1840 hanggang 1842, siya ay nagmisyon at nangaral sa silangang Estados Unidos at Europa at inilaan ang Palestina para sa pagtitipon ng mga Judio. Pagkatapos ay nanirahan siya sa Nauvoo, Illinois. Muli siyang nagmisyon sa Great Britain noong 1846 at 1847. Lumipat siya sa Teritoryo ng Utah noong 1852.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 68, 75, 100, 102, 103, 112124