Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Noah Packard


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Noah Packard,” Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Noah Packard, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Noah Packard

(1796–1860)

Si Noah Packard ay ipinanganak sa Plainfield, Massachusetts. Pinakasalan niya si Sophia Bundy noong 1820 at nabinyagan siya ni Parley P. Pratt sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1832. Inorden ni Joseph Smith si Packard bilang priest noong Disyembre 1832, pagkatapos ay itinalaga si Packard na magmisyon sa Parkman, Ohio, kung saan siya nakatira. Noong 1833, umalis siya para magmisyong muli sa silangang Estados Unidos, inorden bilang elder, at hinirang na pangulo ng branch ng Simbahan sa Parkman. Noong 1835, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan, noong 1836, inorden siya bilang high priest at naging miyembro ng high council. Isa rin siyang stockholder sa Kirtland Safety Society. Noong 1839, lumipat si Packard sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo. Doon siya naglingkod bilang tagapayo sa high priests quorum presidency sa pamumuno ni Don Carlos Smith at pagkatapos ay ni George Miller mula 1840 hanggang 1846. Nagmisyon si Packard sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos noong 1841–43 at 1845. Noong 1845, naglingkod din siya bilang kinatawan ng Simbahan para mangolekta ng pondo sa Michigan para sa Nauvoo Temple. Lumipat siya sa Teritoryo ng Utah noong 1850.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124