Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Josiah Butterfield


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Josiah Butterfield, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Josiah Butterfield, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Josiah Butterfield

(1795–1871)

Retrato ni Josiah Butterfield

Josiah Butterfield, bago sumapit ang taong 1871, retrato.

Si Josiah Butterfield ay ipinanganak sa Dunstable, Massachusetts. Pinakasalan niya si Polly Moulton noong 1819. Kalaunan ay lumipat sila sa Maine, kung saan, noong 1833, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Lumipat siya sa Kirtland, Ohio, noong bandang 1834. Noong 1834 at 1836, nagmisyon siya sa Maine at Vermont. Noong 1836 din, inorden siya bilang Pitumpu. Si Butterfield ay stockholder sa Kirtland Safety Society. Noong 1837, hinirang siyang pangulo ng Pitumpu. Tumulong siya sa paglipat ng Kampo ng Kirtland sa Missouri noong 1838; pagkaraan ng isang taon, naglingkod siya sa isang komite na nangasiwa sa mga pinaalis na mga Banal sa Missouri. Si Butterfield ay itiniwalag noong 1844; siya ay muling nabinyagan sa Simbahan noong Enero 1846. Siya ay muling nag-asawa at pinakasalan si Margaret Lawrence noong Enero 1846 at pagkatapos ay sa isang babaeng nagngangalang Clarinda noong 1853, posibleng sa California. Nabinyagan siya sa Reorganized Church of Jesus Christ of Latter Day Saints noong 1865 sa California.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124