Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Hyrum Smith


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Hyrum Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Hyrum Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Hyrum Smith

(1800–44)

Engraving ni Hyrum Smith.

Hyrum Smith, retrato ng isang engraving ni Frederick Piercy, Charles R. Savage Studio, Church History Library, PH 4521.

Si Hyrum Smith, na nakatatandang kapatid ni Joseph Smith Jr., ay isinilang sa Tunbridge, Vermont. Pinakasalan niya si Jerusha Barden noong 1826. Siya ay bininyagan ni Joseph Smith noong Hunyo 1829, isa sa Walong Saksi ng Aklat ni Mormon, at isa sa anim na orihinal na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na itinatag noong ika-6 ng Abril 1830. Ilang naunang paghahayag ang patungkol sa kanya (Doktrina at mga Tipan 1123). Lumipat siya kasama ng mga Banal sa Kirtland, Ohio, noong 1831. Noong 1831–1832, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon (Doktrina at mga Tipan 52:875:32). Noong 1834, nagmartsa siya mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng Kampo ng Israel (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 103:39).

Hindi nagtagal matapos mamatay ang kanyang unang asawa noong 1837, pinakasalan niya si Mary Fielding. Noong 1837 din, hinirang siyang pangalawang tagapayo sa Unang Panguluhan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 115:1). Lumipat siya sa Missouri noong 1838. Noong taglamig na iyon, ibinilanggo siya kasama ni Joseph Smith at ng iba pa sa piitan sa Liberty, Missouri. Kasunod nito ay lumipat siya sa Nauvoo, Illinois.

Si Hyrum ang humalili sa kanyang ama bilang patriarch ng Simbahan noong 1840. Noong Enero 1841, isang paghahayag ang nag-release kay Hyrum sa kanyang tungkulin bilang tagapayo at pinangalanan siyang propeta, tagakita, at tagapaghayag sa Unang Panguluhan (Doktrina at mga Tipan 124:91–96). Si Hyrum ay pinaslang kasama ng kanyang kapatid sa Carthage, Illinois, noong Hunyo 1844 (Doktrina at mga Tipan 135). Kabilang si Hyrum sa mga kilalang lalaki na nakita ng kanyang anak na si Joseph F. Smith sa daigdig ng mga espiritu sa kanyang paghahayag noong 1918 (Doktrina at mga Tipan 138:53).

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 11, 23, 53, 75, 94, 103, 111, 112, 115, 124, 135138