Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John E. Page, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John E. Page, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John E. Page
(1799–1867)
Si John E. Page ay ipinanganak sa Trenton, New York, noong 1799. Pinakasalan niya si Betsey Thompson noong 1831. Noong Agosto 1833, nabinyagan si Page sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Brownhelm, Ohio, at inorden siyang elder pagkaraan ng isang buwan. Siya ay nag-asawang muli at pinakasalan si Lavona Stevens sa parehong taon. Noong 1835, lumipat si Page sa Kirtland, Ohio. Noong 1836 at 1837, ipinangaral niya ang ebanghelyo sa Upper Canada, at noong 1838 ay pinangunahan niya ang isang pangkat ng mga nabinyagan mula sa Upper Canada patungong Missouri. Noong Hulyo 1838, isang paghahayag ang nagtalaga sa kanya na punan ang bakanteng posisyon sa Korum ng Labindalawang Apostol (Doktrina at mga Tipan 118:6). Siya ay nag-asawang muli at pinakasalan si Maria Judd noong 1839. Sa pagitan ng 1840 at 1844, si Page ay nangaral sa silangang Estados Unidos, pinangunahan ang Simbahan sa Pittsburgh, at nagmisyon sa Washington, D.C. Noong 1845, naging miyembro siya ng Konseho ng Limampu. Noong Pebrero 1846, inalis si Page sa Korum ng Labindalawa, at siya ay itiniwalag noong Hunyo ng taong iyon. Noong huling bahagi ng dekada ng1840, sandali siyang umanib sa iba pang mga simbahan na nagpapahayag na siya ang nakalinyang hahalili kay Propetang Joseph Smith. Noong 1862, sumapi si Page sa Church of Christ (Hendrickites).
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan