Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Newel Knight, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Newel Knight, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Newel Knight
(1800–47)
Si Newel Knight ay ipinanganak sa Marlborough, Vermont. Pinakasalan niya si Sarah Coburn noong 1825. Nang sumunod na taon, tinanggap ng ama ni Knight si Joseph Smith bilang manggagawa na arawan ang bayad. Noong Mayo 1830, nabinyagan si Knight sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Seneca County, New York. Siya ang pangulo ng branch ng Simbahan sa Colesville, New York, at sa pagitan ng Abril at Hulyo ng 1831, pinangunahan niya ang branch sa paglipat mula sa Broome County, New York, patungong Jackson County, Missouri (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 52:32; 56:6–7). Siya ay tumanggap ng naunang paghahayag (Doktrina at mga Tipan 54). Noong Nobyembre 1833, siya at ang iba pang mga Banal sa mga Huling Araw ay pinaalis sa Jackson County at muling nanirahan sa Clay County, Missouri. Noong Hulyo 1834, hinirang siya sa high council ng Sion doon. Matapos pumanaw ang kanyang unang asawa noong Setyembre 1834, pinakasalan niya si Lydia Goldthwaite Bailey noong Nobyembre 1835. Noong 1837 at 1838, naglingkod siya sa high council ng Sion sa Far West, Missouri. Noong 1839, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan naglingkod siya sa high council hanggang 1845. Siya ay umalis sa Nauvoo noong 1846 at namatay nang sumunod na taon sa Nebraska.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan