Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Seymour Brunson


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Seymour Brunson Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Seymour Brunson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Seymour Brunson

(1798–1840)

Si Seymour Brunson ay ipinanganak sa Plattsburg, New York. Naglingkod siya sa Digmaan ng 1812, at, noong mga 1823, pinakasalan niya si Harriet Gould. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Enero 1831 at inorden bilang elder ni John Whitmer sa buwan ding iyon. Noong Disyembre na iyon ay inorden siya bilang high priest. Noong Enero 1832, iniutos kay Brunson sa pamamagitan ng paghahayag na “magsama [sila] sa ministeryo” ni Daniel Stanton (Doktrina at mga Tipan 75:30, 33), at nagmisyon siya sa Ohio, Kentucky, at Virginia noong taong iyon. Lumipat siya kasama ang iba pang mga miyembro ng Simbahan sa Caldwell County, Missouri, noong 1836 o 1837. Noong 1839, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan siya ay hinirang sa high council sa Nauvoo (Doktrina at mga Tipan 124:132). Pumanaw siya sa Nauvoo.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 75124