Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Robert B. Thompson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Robert B. Thompson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Robert B. Thompson
(1811–41)
Si Robert B. Thompson ay ipinanganak sa Great Driffield, England. Noong 1834 ay lumipat siya sa Upper Canada. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ni Parley P. Pratt at inorden bilang elder ni John Taylor noong 1836. Nang sumunod na taon, lumipat si Thompson sa Kirtland, Ohio, kung saan pinakasalan niya si Mercy Fielding. Noong 1837–1838, nagmisyon siya sa Upper Canada, at pagkatapos ay lumipat siya sa Far West, Missouri, kasama ang pamilya nina Hyrum at Mary Fielding Smith. Si Thompson ay nakipaglaban sa labanan sa Ilog Crooked, malapit sa Ray County, Missouri, noong Oktubre 1838. Matapos paalisin ang mga Banal sa Missouri, lumipat siya sa Quincy, Illinois. Habang naroon, siya ay hinirang na mangalap ng mga ulat at mga lathalain na kumalat laban sa Simbahan. Noong Mayo 1839, inorden siya bilang Pitumpu. Lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, sa taon ding iyon. Sa Nauvoo, nagtrabaho si Thompson bilang tagasulat ni Joseph Smith, bilang clerk para sa Simbahan, at bilang katuwang na patnugot ng pahayagang Times and Seasons ng Simbahan kasama si Don Carlos Smith. Isang paghahayag noong 1841 ang nag-atas kay Thompson na tulungan si Joseph Smith na sumulat ng pagpapahayag ng ebanghelyo sa mga pinuno ng mundo (Doktrina at mga Tipan 124:2–12). Pumanaw siya sa Nauvoo.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan