Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Charles C. Rich


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Charles C. Rich, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Charles C. Rich, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Charles C. Rich

(1809–83)

Retrato ni Charles C. Rich

Charles C. Rich, ca. 1870, retratong kuha ni Charles R. Savage, Church History Library, PH 7189.

Si Charles C. Rich ay ipinanganak sa Campbell County, Kentucky. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Abril 1832 at naorden bilang elder nang sumunod na buwan. Sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri noong 1834. Noong sumunod na mga taon, siya ay nagmisyon sa Illinois, inorden bilang high priest, at naging pangulo ng high priests quorum sa Missouri. Pinakasalan niya si Sarah DeArmon Pea noong 1838. Noong 1839 ay lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan siya ay hinirang na miyembro ng stake high council sa Nauvoo. Kalaunan ay naglingkod siya sa stake presidency sa Nauvoo gayundin sa ilang posisyong pangsibiko. Noong 1842–44, nagmisyon siya sa Illinois at Michigan at tinanggap sa Konseho ng Limampu. Nang sumunod na taon, siya ay nahalal na isang tagapangasiwa o trustee sa bayan ng Nauvoo. Noong 1846, si Rich ay naglingkod bilang namumunong elder sa Mount Pisgah, Teritoryo ng Iowa. Lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake, sa Teritoryo ng Utah, noong 1847 at inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ni Brigham Young noong 1849. Kalaunan ay nagmisyon siya nang ilang beses at naglingkod sa construction committee para sa templo sa Logan, Teritoryo ng Utah.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124