Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Ezra Booth, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Ezra Booth, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Ezra Booth
(1792–1873)
Si Ezra Booth ay ipinanganak sa Newtown, Connecticut, noong 1792. Noong 1819, pinakasalan niya si Dorcas Taylor. Si Booth ay isang ministro ng Methodist sa Mantua, Ohio, nang mabinyagan para maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1831. Tinawag siya ng Panginoon sa pamamagitan ng paghahayag para magmisyon sa Missouri kasama si Isaac Morley noong Hunyo 1831 (Doktrina at mga Tipan 52:23), ngunit kapwa sila pinagsabihan sa isang paghahayag kalaunan dahil sa hindi malinaw na mga dahilan (Doktrina at mga Tipan 64:15). Nagkaroon ng negatibong karanasan si Booth sa paglalakbay na ito bilang misyonero at pagkatapos ay binatikos niya si Joseph Smith at ang Simbahan. Noong Setyembre 1831, binawi ng mga lider ng Simbahan ang karapatan ni Booth na mangaral. Nang buwan ding iyon, nagsimula siyang maglathala ng serye ng mga liham sa isang pahayagan sa Ohio na tinatalikdan ang Simbahan. Iniutos ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon na magpatotoo sa publiko laban kay Booth upang salungatin ang kanyang pambabatikos (Doktrina at mga Tipan 71).
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan