Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Willard Richards


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Willard Richards, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Willard Richards, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Willard Richards

(1804–54)

Retrato ni Willard Richards

Willard Richards, mga 1845, retratong kuha ni Lucian R. Foster, Church History Library, PH 4819.

Si Willard Richards ay ipinanganak sa Hopkinton, Massachusetts, noong 1804. Noong Disyembre 1836, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Kirtland, Ohio. Nagmisyon siya sa England mula 1837 hanggang 1841, sa panahong iyon ay pinakasalan niya si Jennetta Richards at inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol (Doktrina at mga Tipan 118:6). Noong Disyembre 1841, lumipat si Richards sa Nauvoo, Illinois, kung saan naglingkod siya bilang tagapagtala sa Nauvoo Temple, tagasulat at pribadong kalihim ni Joseph Smith, at mananalaysay ng Simbahan, bukod sa iba pang mga responsibilidad. Naroon si Richards nang mapaslang sina Joseph at Hyrum Smith sa Piitan ng Carthage noong Hunyo 1844 (Doktrina at mga Tipan 125:2). Lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah kasama ang iba pang mga Banal noong 1846–47 at pagkatapos ay bumalik sa Winter Quarters, na kalaunan ay naging Nebraska. Hinirang siyang Pangalawang Tagapayo ni Brigham Young sa Unang Panguluhan noong 1847. Noong 1848 ay pinamunuan niya ang isang grupo ng mga Banal sa mga Huling Araw pabalik sa Lambak ng Salt Lake, kung saan siya namatay noong 1854.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 118, 124135