Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Taylor, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John Taylor, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John Taylor
(1808–87)
Si John Taylor ay ipinanganak sa Milnthorpe, England, noong 1808. Noong mga 1832, lumipat si Taylor sa York Township, Upper Canada, at doon pinakasalan si Leonora Cannon noong 1833. Noong Mayo 1836, si Taylor ay bininyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Hindi nagtagal, tinawag siyang mamuno sa mga branch ng Simbahan sa Upper Canada. Noong Hulyo 1838, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na punan ang bakanteng posisyon sa Korum ng Labindalawang Apostol (Doktrina at mga Tipan 118:6). Mula 1839 hanggang 1841, siya ay nagmisyon sa England. Pagkatapos ay lumipat siya sa Nauvoo, Illinois, kung saan naging patnugot siya ng pahayagan ng Simbahan na Times and Seasons at naging miyembro ng Konseho ng Limampu. Naroon siya nang mapaslang sina Joseph at Hyrum Smith sa Piitan ng Carthage noong Hunyo 1844 (Doktrina at mga Tipan 135:2). Matapos muling magmisyon sa England, lumipat si Taylor sa Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah noong 1847. Mula 1849 hanggang 1852, nagmisyon siya sa France at Germany. Noong 1854, siya ay hinirang na mamuno sa mga branch sa silangang Estados Unidos. Nang bumalik si Taylor sa Teritoryo ng Utah noong 1857, humawak siya ng ilang katungkulang pangsibiko bukod pa sa paglilingkod bilang Apostol. Kasunod ng pagpanaw ni Brigham Young noong 1877, si Taylor ay naglingkod bilang ikatlong Pangulo ng Simbahan hanggang sa kanyang pagpanaw sa Kaysville, Teritoryo ng Utah noong 1887.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan