Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Isaac Morley, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Isaac Morley, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Isaac Morley
(1786–1865)
Si Isaac Morley ay ipinanganak sa Montague, Massachusetts. Noong 1812, pinakasalan niya si Lucy Gunn, at sa mga panahong ito ay nanirahan sila sa Kirtland, Ohio. Si Morley ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Nobyembre 1830, at nang sumunod na taon, pinayagan niya ang mga Banal sa mga Huling Araw mula sa New York na manirahan sa kanyang bukid sa Kirtland. Sa isang paghahayag na may petsang Setyembre 1831, si Morley ay pinagsabihan dahil sa pagsuway sa Panginoon at pagkakaroon ng kasamaan sa kanyang puso (Doktrina at mga Tipan 64:15–16). Mula 1831 hanggang 1833, nanirahan siya sa Independence, Missouri (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 52:23). Habang naroon, hinirang siyang organisahin ang mga branch ng Simbahan sa Missouri at maglingkod bilang bishop. Noong tag-init at taglagas ng 1835, sinamahan niya si Edward Partridge sa misyon sa silangang Estados Unidos. Noong 1837, inorden si Morley bilang patriarch. Lumipat siya sa Hancock County, Illinois, noong 1839. Nang sumunod na taon, siya ay hinirang na pangulo ng stake sa Lima, Illinois. Noong 1845, lumipat siya sa Nauvoo, Illinois. Lumipat siya sa Utah noong 1848, at pinamunuan niya ang isang pamayanan ng mga Banal sa Sanpete County, Utah, nang sumunod na taon.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan