Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Leman Copley, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Leman Copley, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Leman Copley
(mga 1781–1862)
Si Leman Copley ay ipinanganak sa Connecticut. Makalipas ang ilang panahon pagkatapos ng 1800, sumapi siya sa United Society of Believers in Christs Second Appearing, na kilala bilang Mga Shaker. Bago ang taong 1820, lumipat sila ng kanyang asawang si Sally Cooley sa Thompson Township, Ohio. Noong 1831, bininyagan si Copley sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong Mayo ng taong iyon, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na samahan sina Sidney Rigdon at Parley P. Pratt na ipangaral ang ebanghelyo sa isang grupo ng Mga Shaker sa Ohio (Doktrina at mga Tipan 49). Pinayagan ni Copley ang mga Banal sa mga Huling Araw mula sa Colesville, New York, na manirahan sa kanyang lupain sa Ohio, ngunit noong Hunyo 1831, binawi niya ang kasunduang ito (Doktrina at mga Tipan 54:4–5). Nang lumipat ang malaking bahagi ng mga Banal sa mga Huling Araw mula Ohio patungong Missouri noong 1838, pinili ni Copley na manatili sa Ohio. Sumapi siya sa Church of Christ na itinatag ni James Brewster noong 1849, at kalaunan ay sumapi siya sa Church of Christ na itinatag ni Austin Cowles.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan