Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Sidney Rigdon Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Sidney Rigdon, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Sidney Rigdon
(1793–1876)
Sidney Rigdon, mga 1873, retratong kuha ni Irving Saunders, kopya ng Fox and Symons Studio, Church History Library, PH 4192.
Si Sidney Rigdon ay ipinanganak sa St. Clair, Pennsylvania, noong 1793. Pinakasalan niya si Phebe Brooks noong 1820. Siya ay dating repormadong mangangaral na Baptist bago sumapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Geauga County, Ohio, noong Nobyembre 1830. Pagkatapos ay naging tagasulat siya ni Joseph Smith at hinirang na sumama sa paglalakbay nito patungong Missouri noong 1831 (Doktrina at mga Tipan 52:3). Noong 1832, si Rigdon ay hinirang na isa sa mga tagapayo ni Joseph Smith at hinirang ding miyembro ng United Firm (Doktrina at mga Tipan 82:11). Noong 1833, sina Rigdon at Frederick G. Williams, bilang mga tagapayo ni Joseph Smith sa panguluhan ng mataas na priesthood, ay “ipinalalagay na kapantay” ni Joseph Smith “sa paghawak ng mga susi nitong huling kaharian” (Doktrina at mga Tipan 90:6). Si Rigdon ay ibinilanggo kasama ni Joseph Smith at ng iba pang mga Banal sa mga Huling Araw sa piitan sa Liberty, Missouri, mula noong Disyembre 1838 at pinalaya noong Pebrero 1839. Noong 1839, sinamahan niya si Joseph Smith sa Washington DC upang subukang humingi ng bayad-pinsala mula sa pederal na pamahalaan para sa pagmamalupit na dinanas ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Missouri, ngunit nabigo ang pagtatangka. Kalaunan ay sumapi si Rigdon sa pinakamalaking grupo ng mga Banal sa kanilang bagong tirahan sa Nauvoo, Illinois. Kasunod ng pagpaslang kay Joseph Smith, inangkin ni Rigdon ang karapatang mamuno sa Simbahan. Siya ay itinawalag kalaunan noong 1844 at nagsimula ng kanyang sariling simbahan sa Pittsburgh, Pennsylvania.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 35, 36, 37, 40, 41, 42, 44, 49, 52, 53, 55, 58, 60, 61, 63, 70, 71, 73, 76, 78, 82, 90, 93, 100, 102, 103, 104, 111, 112, 115, 124